Oras na ba ng pagbabayad ng inyong monthly water bill? Alam niyo ba? Maliban sa pagbabayad sa mga accredited payment centers, over-the-counter (OTC), at Automated Teller Machine (ATM), ay may mga payment options pa na hindi kinakailangan ang paglabas mula sa ating mga tahanan.

Ang Maynilad at Manila Water ay gumagamit ng iba’t-ibang payment facilities, tulad ng credit card auto-charge, e-payment or mobile payment channels, at online application ng mga partner-banks upang masiguradong ligtas ang mga customers at hassle-free ang kanilang pagbabayad.

Mandato ng MWSS Regulatory Office (RO) na pangasiwaan ang Maynilad at Manila Water upang tiyakin na napapangalagaan ang kapakanan ng publiko. Sinisigurado ng MWSS RO na agad na natutugunan ng mga konsesyonaryong Maynilad at Manila Water ang mga katanungan at hinaing ng customers patungkol sa mga serbisyo nito.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang paraan ng pagbabayad ng inyong water bill, maaaring bisitahin ang social media pages at website ng Maynilad o Manila Water.

Manila Water
Maynilad Water Services, Inc.