Ang inyong metro (water meter) ang siyang pangunahing batayan sa pagsukat ng tubig na dumaloy sa inyong bahay. Ang tala (reading) sa metro ang nagiging basehan kung magkano ang buwanang bayarin sa tubig.
Karapatan ng bawat konsumer ang abot-kayang serbisyo ng tubig at sanitasyon. Bahagi ng karapatang ito ang tamang pagsukat ng konsumo ng tubig sa inyong bahay.
Noong 01 Hunyo 2020, nagsimula na muli ang meter reading at billing operations ng Manila Water Company, Inc. (MWCI) at Maynilad Water Services, Inc. (MWSI).
Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa inyong metro at bayarin sa tubig. Makipag-ugnayan agad sa MWCI o MWSI kung may nakitang problema sa inyong metro.