MAGING ALERTO, LAGING I-CHECK KUNG MAY WATER LEAK SA INYONG TAHANAN
Posted on
Alam mo ba? Isa sa mga dahilan ng hindi inaasahang pagtaas ng water bill ay ang mga undetected leaks sa ating tahanan. Maging alerto tayo at lagi nating i-check kung may leaks ang mga tubo, gripo, at inidoro sa ating tahanan. Agad na ipakumpuni ang mga pinagmumulan ng tagas upang makatipid tayo sa tubig. Sa simpleng paraan ng pagtitipid ay malaki ang ating maiaambag sa pangangalaga ng ating yamang tubig.
Ang wastong paggamit ng tubig ay nagsisimula sa ating lahat. Maging responsable at wais tayo sa paggamit ng tubig upang mapangalagaan at mapanatili natin ang pagdaloy nito.
Tubig ay tipirin at alagaan, sapagka’t ito ay may hangganan.