MAGING WAIS SA PAGGAMIT NG TUBIG SA PAG-AALAGA NG MGA HALAMAN
Posted on
Mga Plantitos at Plantitas, plano nyo bang mag-alaga ng mga bagong halaman? Maaari tayong pumili ng mga halaman na hindi nangangailangan ng maraming tubig sa pagdidilig na makakatulong sa atin sa pagtitipid ng tubig. Ang mga halamang ito ay nakakapaglinis ng hangin, nakakapagpagaan ng stress, at nakakapagdulot ng iba pang mabubuting benepisyo sa atin lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Sa pag-aalaga ng ating mga halaman, maging maingat tayo sa paggamit ng tubig pandilig. Ang wastong paggamit ng tubig ay nagsisimula sa ating lahat. Maging responsable at wais tayo sa paggamit ng tubig upang mapangalagaan at mapanatili natin ang pagdaloy nito.
Tubig ay tipirin at alagaan, sapagka’t ito ay may hangganan.