Nagsasagawa ng planned water service interruptions ang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water para sa maintenance ng mga pasilidad sa patubig at para i-manage ang supply ng tubig
.Pero ipinapaalam ito ng Maynilad at Manila Water sa apektadong customers 48 hours bago ang scheduled interruption.
Mainam na i-follow at i-check ang social media pages ng Concessionaires at bisitahin ang kanilang websites para sa advisories tungkol dito.
Maaari ring tumawag sa Manila Water Hotline 1627 o Maynilad Hotline 1626.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa polisiya ng MWSS RO sa water service interruptions: https://ro.mwss.gov.ph/…/Policy-on-Water-Service…