Kailan kayo huling nagpa-desludge o nagpasipsip ng septic tank o poso negro? Dapat regular itong isinasagawa upang maiwasan ang pag-apaw ng septic tank na maaaring makapagdulot ng polusyon.

Para magabayan kayo, narito ang mga red flag o palatandaan na kailangan nang magpa-DESLUDGE ng septic tank :

🚩May biglang pag-alingasaw ng mabahong amoy sa banyo o kaya ay sa labas ng bahay malapit sa poso negro o septic tank

🚩Nagkakaroon ng mga ligaw na halaman o dumarami ang damo sa bahaging malapit sa poso negro o septic tank

🚩Bumabagal ang pag-drain ng tubig mula sa inidoro o lababo

🚩May liquid waste (septage) na umaapaw kahit hindi naman umuulan.

🚽May regular na desludging services ang mga Konsesyonaryo kada lima (5) hanggang pitong (7) taon na kasama sa

binabayarang water bills ng mga kostumer kada buwan.

Tumawag lamang sa Maynilad (Hotline 1626) o Manila Water (Hotline 1627) para malaman ang desludging schedule

sa inyong barangay. ☎️Maaari ring makipag-ugnayan sa inyong barangay tungkol dito. 👍

#SaveH20withMWSSRO💧

***

Protektahan ang kalusugan at kalikasan sa pamamagitan ng wastong septage management:

https://www.facebook.com/media/set?set=a.487841006703173…

Panoorin ang bidyo na “Desludging Para sa Kapaligiran” (video) :

https://www.facebook.com/MWSS.RO/videos/125707016305916/

Mag-print ng aming “Regular na I-desludge ang Poso Negro para sa Kalusugan at Kaligtasan” flyer 👇

https://ro.mwss.gov.ph/…/Fil-REV-2_05212021_Septage…