Ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ay magkakaroon ng Public Information Drive sa ika-20 ng Oktubre, 2015, Martes, mula 8:00 ng umaga hanggang 12 ng tanghali sa Kenny Rogers Roasters Restaurant, Roxas Boulevard, corner Cuneta Avenue, Pasay City.
Malugod po naming inaanyayahan ang Maynilad Business Areas, Punong Barangay at pinuno ng mga Liga ng mga Barangay ng Bacoor, Cavite, Las Pinas, Muntinlupa, Paranaque, Pasay, Makati, South Manila, at Tondo na dumalo sa pagpupulong na ito. Ito rin ay isa sa mga programa na handog ng MWSS-RO para sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month sa buong kapuluan ngayong Oktubre.
Sa pagtitipon na ito, ipapamahagi at ipapaliwanag ang mga sumusunod na Implementing Rules and Regulations (IRRs) na itinalaga ng MWSS Board of Trustees:
- IRR No. 2013-01: Disconnection and Reconnection of Water Service Connection;
- IRR No. 2013-06: Additional Water Meter and Transfer of Connection Tapping Point; at
- IRR No. 2013-02: Rate Classification and Billing Scheme of Small-Scale (Home- Based) Businesses.
Ang pagpupulong na ito ay isang oportunidad upang malaman ng mga water consumers ang mga kanilang mga karapatan at obligasyon. Mahalaga rin ang mga katanungan at mungkahi hinggil sa mga IRRs na nabanggit. Makakapanayam din dito ang mga opisyal ng MWSS-RO kasama ang mga kinatawan ng Maynilad para sa makabuluhang pagkakaintindihan at pagkakasunduan.
Lahat ng mga isyu at rekomendasyon mula sa pagpupulong na ito ay magsisilbing mahalagang batayan para sa ikabubuti ng serbisyong patubig at alkantarilya.
Para sa iba pang mga katanungan, tumawag po sa MWSS-RO sa 435-8900 lokal 2027 (Customer Service Regulation Area), 2045 at 2054 (Public Information Department).
Maraming salamat po sa inyong suporta.