Ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ay magkakaroon ng Public Information Drive sa ika-15 ng Setyembre, 2015, Martes, mula 8:30 ng umaga hanggang 12 ng tanghali sa ikalawang palapag ng The Buffet, 41 Commonwealth Avenue, Holy Spirit, Quezon City. Ito ang pangalawa sa serye ng Public Information Drive na gaganapin ngayong taon.
Inaanyayahan sa pagpupulong na ito ang North Business District, isa sa apat na business districts ng Maynilad Concession Area. Sakop ng North Business District ang mga sumusunod:
- Fairview-Commonwealth Business Area,
- North Caloocan Business Area,
- Novaliches-Valenzuela Business Area.
Kasama ring inaanyayahan ang mga punong barangay at pinuno ng Liga ng mga Barangay na sakop ng North Business District.
Sa pagtitipon na ito, ipapaliwanag ang mga sumusunod na Implementing Rules and Regulations (IRRs) na itinalaga ng MWSS Board of Trustees:
- IRR No. 2013-01: Disconnection and Reconnection of Water Service Connection;
- IRR No. 2013-02: Rate Classification and Billing Scheme for Small-Scale (Home- Based) Businesses; at
- IRR No.2013-06: Additional Water Meter and Transfer of Connection Tapping Point.
Ang pagpupulong na ito ay isang oportunidad upang ipamahagi ang mga karapatan at obligasyon ng mga water consumers na sakop ng North Business District ng Maynilad Concession Area. Hinihikayat din ang mga katanungan at mungkahi hinggil sa mga IRRs na nabanggit. Ang mga opisyal ng MWSS-RO kasama ang mga kinatawan ng Maynilad ay makakapanayam para sa makabuluhang pagkakaintindihan at pagkakasunduan.
Para sa iba pang mga katanungan ukol sa Public Information Drive, maaaring tumawag sa MWSS-RO sa 435-8900 lokal 2027 (Customer Service Regulation Area), 2045 at 2054 (Public Information Department).