Bilang responsableng miyembro ng komunidad, marami tayong maaaring gawin para mapangalagaan ang kalikasan na tiyak na may benepisyo rin sa ating kalusugan.
Isa na riyan ang regular na desludging o pagpapasipsip ng septic tank o poso negro.
Paano ito nakatutulong para maprotektahan ang ating likas na yaman? Panoorin sa #MWSSRODesludging101 video na ito.
***
Para sa desludging schedule sa inyong barangay, tumawag sa Maynilad (Hotline 1626) o Manila Water (Hotline 1627).