Inhale, exhale lang po kapag dumating na ang inyong bills 😊
Sakaling nagkapatong-patong na ang inyong mga bayarin sa tubig lalo ngayong panahon ng pandemya, maaari kayong makipag-ugnayan sa Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water upang mag-request ng flexible payment terms o utay-utay na pagbabayad.
Samantala, hinihikayat ng MWSS Regulatory Office ang regular na pagbabayad ng water bills at pagmomonitor ng konsumo ng tubig upang hindi rin lumaki at maipon ang mga bayarin ng customers at maiwasan ang bill shock.
May iba’t ibang online or mobile payment channels na ino-offer ang Maynilad at Manila Water para hassle-free ang pagbabayad ng customers.