Tarp combined (Large)

Ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ay nagkaroon ng mga Public Dialogue noong ika-5 at ika-7 ng Hulyo 2016 para sa mga customers mula sa places of worship ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) at Manila Water Company, Inc. (Manila Water). Naganap ang Public Dialogue para sa Maynilad customers sa Arroceros Building, 176 A. Villegas Street, Ermita, Manila at sa Comida China de Manila, FRDC Bldg., 106 E. Rodriguez Jr. Ave. (C5), Pasig City para sa mga customers ng Manila Water.

Ipinamahagi at ipinaliwanag ng MWSS-RO ang Implementing Rules and Regulations (IRR) No. 2013-03: Rate Re-Classification for Places of Worship. Ito ay isa sa mga IRRs na itinalaga ng MWSS Board of Trustees.

Ang pagpupulong ay naging oportunidad para sa mga customers mula sa mga simbahan o places of worship na malaman ang kanilang mga karapatan at obligasyon bilang mga consumers. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga customers na marinig ang kanilang mga katanungan at mungkahi hinggil sa IRR na nabanggit. Ang mga opisyal ng MWSS-RO kasama ang mga kinatawan ng Maynilad at Manila Water ay nakapanayam ng mga customers para sa makabuluhang pagkakaintindihan at pagkakasunduan.

Lahat ng mga isyu at rekomendasyon mula sa pagpupulong ay dokumentado at magsisilbing mahalagang batayan para sa ikabubuti ng serbisyong patubig at alkantarilya.