Tag-init pero maulan? Ganoon talaga sa mga bansang may tropikal na klima tulad ng Pilipinas.
Ayon sa Department of Agriculture – Philippines (2019), isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na nakapagtatala ng maraming tubig-ulan, ngunit anim na porsyento (6%) lamang nito ang naiipon at nagagamit.
Kaya naman sa ating mga tahanan, mag-ipon at mag-recycle din tayo ng tubig-ulan. Maaari natin itong gamiting panlinis ng sahig, panghugas ng mga gamit, o di kaya pandilig ng halaman. Sa paraang ito, matitipid din natin ang malinis na tubig na mula sa gripo.
Tubig ay tipirin at alagaan, sapagka’t ito ay may hangganan.
Alamin ang iba pang paraan para matipid at maalagaan pa ang ating yamang tubighttps://www.facebook.com/watch/212808672071102/954577904976534/