Alam mo ba? Bukod sa pag-check ng mga leak sa ating tahanan ay mahalaga rin ang pag-check ng kondisyon ng ating metro dahil ito ang basehan ng ating binabayarang water bills buwan-buwan. πŸš°πŸšΏπŸ›

Sakaling ang ating metro ay sira o depektibo na, hindi natin ito maaaring kumpunihin. Ito ay papalitan ng bago ng Maynilad o Manila Water nang walang karagdagang bayad kung ang pagkasira ng opisyal na metro ay unang pagkakataon pa lamang, at ang sanhi ng pagkasira ay hindi gawa ng may-ari. Ang mga bagong metro ay may 5 to 7 taong field performance warranty.

Makipag-ugnayan sa Maynilad (Hotline 1626) o Manila Water (Hotline 1627) o bisitahin ang kanilang website o social media pages para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ating metro ng tubig. πŸ‘

#SaveH2OwithMWSSRO πŸ’§

Panoorin ang ilang bidyo tungkol sa karapatan ng mga customer πŸ’¦ πŸ‘‡
https://www.facebook.com/watch/?v=271288108009935
https://www.facebook.com/watch/?v=1235850473607110

Bisitahin ang website ng MWSS RO para malaman ang iba pang inisyatibo ng opisinaΒ πŸ’¦Β πŸ‘‡
https://ro.mwss.gov.ph/