Aralin Ngayon: Desludging

Alam ‘nyo ba na ang desludging ay isa sa mga mahahalagang serbisyo na isinasagawa ng Manila Water at Maynilad Water Services, Inc. upang masigurado ang kalusugan ng komunidad at ng kalikasan? 💙 Ang serbisyong ito ay kasama na sa binabayarang water bills ng customers. ✅

Para maiwasan ang pagbara o pag-apaw ng septic tank o poso negro na maaaring magdulot ng polusyon, regular na ipa-desludge ito sa inyong Service Provider. Tayo na’t magtulungan para sa malinis na kapaligiran! 🤝

Para sa schedule at iba pang detalye ng desludging services sa inyong barangay, tumawag lamang sa Maynilad (Hotline 1626) o Manila Water (Hotline 1627). 📞

#Desludging101

***Protektahan ang kalusugan at kalikasan sa pamamagitan ng wastong septage management:

Panoorin ang bidyo na “Desludging Para sa Kapaligiran” (video) :

https://www.facebook.com/MWSS.RO/videos/125707016305916

Mag-print ng aming “Regular na I-desludge ang Poso Negro para sa Kalusugan at Kaligtasan” flyer 👇http://tinyurl.com/MWSSRODesludgingFlyer