Mataas man ang lebel ng tubig sa Angat Dam, huwag sana nating kalimutan na ang suplay nito ay may hangganan.

Pinapaalalahanan ng MWSS Regulatory Office (RO) ang publiko na patuloy na magtipid ng tubig para matiyak na sasapat ito para sa lahat, lalo na kapag dumating ang panahon tag-init.

Ang maingat na paggamit ng likas na yaman tulad ng tubig ay makatutulong upang mapangalagaan ito para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

***

Tubig ay tipirin at alagaan, sapagkat ito ay may hangganan.

#SaveH2OwithMWSSRO

***

Para maging updated sa lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa bansa, bisitahin ang Dost_pagasa