Pagtitiyak na hindi aapaw ang poso-negro? Kayang-kaya rin ni Juana ‘yan!
Walang pinipiling kasarian ang household duty na desludging o pagpapasipsip ng septic tank o poso negro.
Paalaala sa mga kostumer ng Manila Water o Maynilad, mapa-babae man o lalake:
may regular na desludging services ang mga Konsesyonaryo kada lima (5) hanggang pitong (7) taon
kasama ang serbisyong ito sa binabayarang water bills ng mga kostumer kada buwan
mahalaga ang regular na pagpapasipsip (desludging) ng poso negro (septic tank) upang maprotektahan ang kalusugan at kalikasan
Tumawag sa Maynilad (Hotline 1626) o Manila Water (Hotline 1627) para malaman ang desludging schedule sa inyong barangay.
Maaari ring makipag-ugnayan sa inyong barangay tungkol dito.



Empower with care. Promote proper sanitation for her.



Para sa iba pang datos na may kaugnayan sa kababaihan, patubig, at alkantarilya, basahin ang MWSS ROβs Sex Disaggregated Water Data (SDWD) Project report:
Bisitahin ang MWSS RO’s GAD Corner Page: https://ro.mwss.gov.ph/gad-activities/