Ngayong tag-ulan, hindi lang payong, raincoat, at bota ang puwedeng pamprotekta sa kalusugan.
Siguraduhin din na may proper wastewater management sa inyong tahanan.
Kaya kapag naka-schedule ang inyong barangay para sa desludging service ng Manila Water o Maynilad Water Services, Inc., i-avail na ito.
Huwag nang hayaang mapuno o umapaw pa ang septic tank o poso negro dahil maaaring magresulta ito sa polusyon na maaaring makasama sa ating kalusugan at kalikasan.
***
Tumawag sa Maynilad (Hotline 1626) o Manila Water (Hotline 1627) para malaman ang desludging schedule sa inyong barangay.
***