Ang MWSS Regulatory Office (RO) ay kaisa ng Department of Health (Philippines) sa kampanya para maging ligtas ang tubig na kinukonsumo ng publiko, at pasado sa pamantayan ng Philippine National Standards for Drinking Water.

Anumang panahon, mainam na mag-ingat tayo laban sa waterborne infectious diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue (W.I.L.D).

Maraming paraan para maiwasan ang waterborne diseases, tulad na lamang ng regular na pagpapa-desludge ng ating mga poso negro o septic tank.

Paalaala sa mga kostumer ng Manila Water o Maynilad:

🚽 may regular na desludging services ang mga Konsesyonaryo kada lima (5) hanggang pitong (7) taon

🚽 kasama ang serbisyong ito sa binabayarang water bills ng mga kostumer kada buwan

🚽 mahalaga ang regular na pagpapasipsip (desludging) ng poso negro (septic tank) upang maprotektahan ang kalusugan at kalikasan

Tumawag sa Maynilad (Hotline 1626) o Manila Water (Hotline 1627) para malaman ang desludging schedule sa inyong barangay. ☎️

Maaari ring makipag-ugnayan sa inyong barangay tungkol dito. 👍

#SaveH20withMWSSRO💧

***

Protektahan ang kalusugan at kalikasan sa pamamagitan ng wastong septage management:

https://www.facebook.com/media/set?set=a.487841006703173…

Panoorin ang bidyo na “Desludging Para sa Kapaligiran” (video) :

https://www.facebook.com/MWSS.RO/videos/125707016305916/

Mag-print ng aming “Regular na I-desludge ang Poso Negro para sa Kalusugan at Kaligtasan” flyer 👇

https://ro.mwss.gov.ph/…/Fil-REV-2_05212021_Septage…