Nakikiisa ang MWSS Regulatory Office (RO) sa pagdiriwang ng ika-79 taong paggunita ng Araw ng Kagitingan na may temang, “Kagitingan ay Gawing Gabay, Pandemya ay Mapagtatagumpayan.”

Kasabay ng pag-alala sa kabayanihan at katapangan ng ating mga beterano, sumasaludo ang MWSS RO sa mga frontliner —ang ating mga bagong bayani—na taos-pusong nagsisilbi sa sambayanang Pilipino, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

#Kagitingan2021
#ArawNgKagitingan
#HonorOurHeroes

National Historical Commission of the Philippines
Philippine Veterans Affairs Office