Alam mo ba? Mahalagang kumain ng prutas at gulay na may mataas na water content upang mapanatiling hydrated ang ating mga katawan. Alamin natin kung anong gulay at prutas ang mga ito, at ibahagi natin ang kaalaman lalo na sa kabataan.Kasabay nito, ugaliin nating hugasang mabuti ang mga prutas at gulay bago kainin upang makaiwas sa sakit. Gumamit tayo ng palanggana ng tubig sa paghuhugas upang mapakinabangan pa natin ang pinaghugasang tubig sa iba’t ibang mga gawaing bahay. Gabayan natin ang ating kabataan sa responsable at wais na paggamit ng tubig upang mapangalagaan at mapanatili natin ang pagdaloy nito.
Tubig ay tipirin at alagaan, sapagka’t ito ay may hangganan.