Oras na ba para maghugas ng pinagkainan? Kada araw, maaari tayong makatipid ng 28 litro ng malinis na tubig kung gagamit tayo ng batsa ng tubig kaysa dumadaloy na tubig mula sa gripo tuwing maghuhugas. Sa simpleng paraan ng pagtitipid ay malaki ang ating maiaambag sa pangangalaga ng ating yamang tubig. Ang wastong paggamit ng tubig ay nagsisimula sa ating lahat. Maging responsable at wais tayo sa paggamit ng tubig upang mapangalagaan at mapanatili natin ang pagdaloy nito. Tubig ay tipirin at alagaan, sapagka’t ito ay may hangganan.
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa wastong paggamit ng tubig, bisitahin ang link na ito
https://www.facebook.com/media/set/…#SaveH2OwithMWSSRO
