Saan mang lugar mapadpad, dapat disiplinado tayong lahat pagdating sa pagtatapon ng basura.
Ang mga bagay na madalas na nagagamit sa banyo tulad ng tissue, bulak, sanitary pad, sachet ng shampoo, sabon, at iba pa ay hindi dapat sa inidoro shinu-shoot.
Heto ang isang fun activity na magpapaalala sa atin ng wastong waste management at makatutulong para hindi magbara, mapuno, at umapaw ang ating mga septic tank o poso negro.
***
Protektahan ang kalusugan at kalikasan sa pamamagitan ng wastong septage management!
Regular na ipa-desludge ang poso negro para sa kalusugan at kalikasan!
Para sa desludging schedule sa inyong barangay, tumawag sa Maynilad (Hotline 1626) o Manila Water (Hotline 1627).