#SAVEH2OWITHMWSSRO: GUMAMIT LAMANG NG ISANG BASONG TUBIG SA PAGSISIPILYO

Gaano karaming tubig ang ginagamit n’yo sa pagsisipilyo ng ngipin? Kung iniiwan n’yong bukas ang gripo habang nagsisipilyo, oh no! Aabot sa hanggang apat na galon ng tubig kada sipilyo ang masasayang. Kaya tayo na’t alamin sa bidyong ito ang iba’t ibang Tipid-TUBIG Tips habang nagsisipilyo. Tubig ay tipirin at alagaan, sapagkat ito ay may continue reading : #SAVEH2OWITHMWSSRO: GUMAMIT LAMANG NG ISANG BASONG TUBIG SA PAGSISIPILYO

#SAVEH2OWITHMWSSRO: GRAY WATER BUCKET CHALLENGE

Competitive ba kayo ng mga officemate mo? Heto ang isang healthy competition na magreresulta sa water conservation kung saan pwede n’yo ring isali ang mga taga kabilang department o unit: GRAY WATER BUCKET CHALLENGE! *** Tubig ay tipirin at alagaan, sapagkat ito ay may hangganan. #SaveH2OwithMWSSRO

#SAVEH2OWITHMWSSRO: PASS A WATER CONVERSATION MESSAGE

Mahilig ka bang maki-chika sa kung ano ang latest? Bakit hindi water conversation tip ang i-pass na message! Kung may alam kayong tips para makatipid ng tubig, i-share n’yo na ‘yan! Tubig ay tipirin at alagaan, sapagka’t ito ay may hangganan. #SaveH2OwithMWSSRO

#SAVEH2OWITHMWSSRO: MAGDALA AT GUMAMIT NG WATER TUMBLER SA PAARALAN

Sa mga estudyante in all levels, stay hydrated ngayong tag-init! Effective ang water tumbler para matiyak na laging may naka-standby na inuming tubig buong maghapon na klase. Bukod sa pangontra-dehydration, epektibong paraan din ito para makatipid ng tubig! Tubig ay tipirin at alagaan, sapagka’t ito ay may hangganan. #SaveH2OwithMWSSRO